ILOCOS Sur (Eagle News) — Dinagsa ng libu-libong Ilocano at karatig ng Probinsiya ang Quirino Stadium, Bantay, Ilocos Sur, noong Martes ng gabi, July 26. Kung saan ay nasaksihan ang friendly match ng Philippine Azkals laban sa Perth Glory ng Australia, ngunit bigo ang Philippine football team Azkals.
Naging dikit ang laban sa first half kung saan walang nakapag-goal sa magkabilang team. Ngunit pagsapit ng ika-67 na minuto ng second half, isang magandang pasa mula sa kaliwa ang nagbigay ng unang puntos sa Perth Glory sa pamamagitan ni Joe Knowles. Bago magtapos ang laro, sa ika-92 (siyamna pot dalawang) minuto nakahabol pa ng isang puntos ang Perth Glory team captain na si Richard Garcia. Walang pantapat ang Azkals sa matitinding depensa at ball movement ng Australian team.
Natapos ang laro sa desisyong 0-2. Ganun pa man masaya parin ang mga taga Ilocos Sur na sumuporta at masaksihan ang laban ng Askals sa International Friendly Match. Pinuri ni Knowles ang Azkals sa ipinakita nilang galing at determinasyong maipanalo ang laban.
Malaki din ang adjustment ang ginawa ng kanilang team dahil hindi sila sanay maglaro sa artificial grass na pitch. Dinagdag pa niya na ang karanasang nilang paglaro sa Ilocos Sur ay malaking tulong para sa susunod nilang laban. Nagpasalamat naman si Gov. Ryan Luis Singson sa lahat ng dumalo, tuwang-tuwa ito dahil naging successful ang event at proud na kayang-kaya ng Provincial Government na mag handle ng ganitong klaseng event. Sinisiguro din nito ang International Standard ng Quirino Stadium para makapag Host ng Palarong Pambansa. At matapos ang laban ng Azkals sa Ilocos Sur, magkakaroon muli sila ng friendly match sa buwan ng Agosto kontra sa team ng Kyrgyzstan. Maglalaro ang Philippine Azkals sa AFF Suzuki Cup sa buwan ng Nobyembre.
Courtesy: Myrnalyn Manuel – Ilocos Sur Correspondent