Frontliners sa Santa, Ilocos Sur, dumaan sa COVID-19 rapid testing

 

Ni Myrnalyn Guzman
Eagle News Service

(Eagle News) – Walang positibo sa ginawang rapid testing ng Rural Health Unit sa 26 na barangay sa bayan ng Santa, sa probinsya ng Ilocos Sur na isinagawa sa 974 frontliners.

Pinangunahan ito ni Mayor Jesus Bueno Jr. at Vice Mayor Jeremy Jesus Bueno III.

Ayon kay Dr. Marilou Cardenas, ang Municipal Health Officer sa nasabing bayan , dumaan muna ang mga frontliners sa counseling at pumirma sila ng waiver na sila ay sumasang-ayon sa rapid testing bago ito isinagawa. Kasama sa nasabing testing ang mga kapitan, barangay tanod, barangay health workers, at mga barangay scholar.

Layunin nito na masiguro ang seguridad ng bawat mamamayan at para mapaigting ang naturang paglaban sa COVID-19 virus sa naturang bayan.

(Eagle News Service)