Naipanalo ng back-to-back Tour de France Champion na si Chris Froome ang stage 11 ng Vuelta Of Spain laban sa biggest rival niyang si Nairo Quintana noong Miyerkules (Agosto 31).
Si Froome ang nanguna sa nasabing stage, ngunit nanatili pa rin kay Quintana ng Colombia ang Red Jersey bilang overall leader ng kompetisyon, kung saan lamang siya ng 54 seconds kay Froome sa overall classification.
Ito ang unang panalo ni Froome sa Vuelta 2016, na nagdala sa kanya bilang number 2 overall, at sumusunod sa kanya si Alejandro Valverde ng Movistar.
Natapos ang 168-km stage mula sa Colunga hanggang Pena Cabarga sa isang matarik na pag-akyat sa bundok ng lahat ng siklista.
Ang labanang Quintana-Froome ay magpapatuloy sa Huwebes (September 1) sa stage 12, na matatapos sa Bilbao at magkakaroon ng isang category sa one climb, dalawang category two, at isang category three climb, na matatapos sa isang mabilis na downhill papunta sa siyudad.