Fun run isinagawa sa Capiz, drug surrenderees kasamang nakipag-kaisa

ROXAS, Capiz (Eagle News) – Kaugnay ng PHilippine NAtional Police Patrol Plan 2030 at ng programang STOP o “Support the Transformation and Operation of the Police” ay isinagawa ang FUN RUN 2016 sa Pres. Roxas Capiz na nilahukan ng 2,500 katao, kasama ang mga drug surrenderees. Pinangunahan ito ni Municipal Mayor Receliste Escolin kasama ng mga kapitan ng 22 barangay ng Pres. Roxas, ng mga ahensiya ng lokal na pamahalaan, estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan at ng mga drug surrenderees.

Bago magsimula ang fun run ay nagsagawa muna ng warm up exercise ang mga lumahok. Nagsimula sila sa Pres. Roxas Public Plaza hanggang sa crossing Viscaya at pabalik sa Public Plaza na tinatayan may layong 3 kilometro. Pagkatapos ng fun run ay isinunod nila ang Zumba. Nagbigay din sila ng awards sa mga kalahok at Certificate of Appreciation sa mga major sponsors.

Bago matapos ang aktibidad ay nagbigay ng mensahe si Mayor Escolin at hinikayat ang mga nagsidalo na paunlarin ang kalusugan lalo na ang mga Drug Surrenderees sa pamamagitan ng tunay na pagbabago ng mga ito.

Courtesy: Neal Flores

Related Post

This website uses cookies.