MANILA, Philippines — Dapat mag -public apology si presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte sa pahayag niya ukol sa panghahalay ng isang australian missionary na umani ng kabi-kabilang batikos. Ito ang panawagan ng grupong Gabriela.
Anila, kailangang humingi ng paumanhin si Duterte dahil pina-labas niyang biro lang ang issue ng panghahalay, dapat ding pag-isipang mabuti ng mga kandidato ang kanilang mga pahayag.
“He still has to apologize because he made the rape issue seem like a joke when he said in the last part. It looked like a joke and considering all presidential, all vice presidential, all senatorial contenders should think carefully about how they say things. These people are public figures and a lot of people listen to them, especially with the rising cases of rape,” ayon kay Gert Ranjo-Libang, Vice Charperson ng Gabriel.
Kahapon ay ipinahayag ni Duterte na nagsisisi siya sa kanyang sinabi subalit hindi humingi ng paumanhin dahil aniya mali lang ang pagka-unawa sa kanya.