(Eagle News) — Aminado si dating Solicitor General Florin Hilbay at Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na mauuwi ang bansa sa negosasyon sa China kasunod ng inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands.
Ito ay para makapag-usap ang dalawang bansa at maresolba sa diplomatikong paraan ang hidwaan sa West Philippine Sea.
Pero ayon sa dalawa, sakop din ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ang China kaya nararapat lamang na sumunod ang Beijing sa desisyon ng arbitral tribunal.
Nilinaw naman nina Hilbay at Jardeleza na ang naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa China dahil sa maritime dispute ay hindi tumutukoy sa ownership ng bansa sa mga pinag-aagawang isla kundi usapin ito ng maritime entitlement.