Gasoline stations pinaghahanda ng DOE sa paglago ng e-vehicles

MANILA, Philippines  — Pinaghahanda na ng Department of Energy ang lahat ng gasoline station sa buong Pilipinas kasabay ng paglago ng electric vehicles industry.

Partikular na pinaghahanda ang mga gasolinahan para sa charging ng electric vehicles.

Pinaplantsa na ngayon ng Industry Management Bureau and Energy Implementation Management Bureau ng ahensya ang pag-iisyu ng mga polisiya o patakaran para sa availability ng charging at solicitation.

Oobligahin din ng Department of Energy ang mga gasolinahan na maglagay ng parking area, comfort rooms, CCTV at convenience store.

Related Post

This website uses cookies.