(Eagle News) – Aabot na sa Php 9.5 million ang halaga ng nagagastos sa pondo ng bayan dahil sa paghabol ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga sumusuway sa environmental laws sa Boracay island.
Ayon sa tagapagsalita ng DENR na si Undersecretary Jonas Leones, ang nasabing halaga ay binubuo pa lamang ng projected expenses sa surveys ng illegal occupants, demolisyon sa illegal structures, monitoring sa mga operasyon at mga hakbang para maresolba ang mga problema sa solid waste, pati na ang paghahain ng reklamo laban sa mga pasaway.
Hindi pa aniya kasama rito ang gastos sa biyahe at operasyon ng hindi bababa sa 120 tauhan ng DENR mula sa regional offices at bureaus.
(Eagle News Service)