General Santos City, isinailalim sa alert level 4 kasunod ng pagsabog ng isang IED

(Eagle News) — Isinailalim sa pinakamataas na alerto o alert level 4 ang General Santos City matapos ang nangyaring pagsabog ng isang hinihinalang improvised explosive device sa Makar Road, Barangay Apopong Linggo ng umaga.

Sa kasalukuyan ay nagdagdag ng checkpoints ang otoridad upang mas lalong mabantayan ang seguridad ng lungsod at maging ang mga residente nito.

Ayon naman sa mga otoridad, patuloy na kinukumpirma kung ang ginamit na pampasabog ay isang improvised explosive device.

(Details and photos courtesy of Eagle News Correspondent Bert Randy Alcontin)

Related Post

This website uses cookies.