(Eagle News) — Itinuturing na isang problema ng iba ang paglitaw ng mga water lily sa ilog.
Pero hindi ito ang nangyayari sa Paraguay.
Nagmistulang isang tourist spot ang isang ilog doon dahil sa mga water lily.
Hindi kasi pangkaraniwan ang sukat ng mga water lily na nagsisulputan doon.
Ang giant water lily ay lumilitaw lamang sa nasabing ilog kada apat na taon tuwing summer.
Kilala rin ang giant lily sa healing properties nito laban sa asthma at bronchial diseases.
Para mapangalagaan ang giant water lilies sa lugar ay nagpataw ang environment ministry ng mas mataas na multa sa sinumang sisira sa nasabing halaman.
Tuwang-tuwa naman ang mga bumisita sa nasabing ilog para makita ang mga giant lily.
(Translated by Aily Millo, Eagle News Service)