Gilas Pilipinas panalo sa China; 72-69

Wagi ang Gilas Pilipinas kontra sa Powerhouse Team China. Bilang paghahanda para sa nalalapit na 2016 FIBA Olympic qualifying tournament.

Sa iskor na 72-69, tinalo ng Pilipinas ang China sa pangunguna ni PBA star Terrence Romeo na nagtala ng dise-otso puntos at ni NBA veteran at naturalized player Andray Blatche na gumawa naman ng labing apat na puntos at labindalawang rebound.

Ito ang unang panalo ng gilas pilipinas sa kanilang paghahanda para sa nasabing qualifying tournament matapos ang magkasunod na talo nito laban naman sa mga koponan ng Turkey at Italy.

Nakatakdang isagawa ang 2016 FIBA Olympic qualifying tournament sa Pilipinas na magsisimula sa July 5 at magtatapos naman sa July 10.

Related Post

This website uses cookies.