Gilas Pilipinas talo sa tune-up game

(Eagle News) — Matapos matalo sa ginawang ‘tune-up game kontra’ sa bansang Turkey, inaasahan umanong magsasagawa ng ‘adjustment’ ang Gilas Pilipinas para sa muli nitong paghaharap sa susunod na buwan.

Batay sa ulat, sa iskor na 103-68, tila pinaglaruan ng Turkey ang Team Gilas sa nasabing match na isinagawa sa Abdi Ipekci Arena sa Istanbul, Turkey kahapon ng madaling araw.

Ang naturang ‘tune-up game’ ay bahagi pa rin ng paghahanda ng pambansang koponan para sa Manila leg ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Samantala, nakatakdang magsimula ang nasabing 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Maynila sa July 5 at magtatapos naman saJuly 10.

 

Eagle News Service.

Related Post

This website uses cookies.