DENR chief Gina Lopez: “I’m not against mining”

Gina Lopez habang nakasalang sa Commission on Appointments ngayong ika-2 ng Mayo, 2017. Meanne Corvera/ Eagle News Service

Ni Meanne Corvera

Eagle News Service

Sa ikatlong pagkakataon, isinalang sa makapangyarihang Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni Gina Lopez bilang environment secretary.

Sa pagharap sa komisyon, isa-isang sinagot ni Lopez ang alegasyon ni Finance Secretary Sonny Dominguez na hindi idinaan sa konsultasyon ang ginawang shutdown at arbitrary suspension sa ilang mining operations.

Paglilinaw ni Lopez, hindi nya tinututulan ang pagmimina pero kailangan daw maging responsable ang mga mining firms.

“I’m not against mining as an industry. Thirteen mining companies have passed the audit. My intention is to work together with them,” aniya.

Ang sinususpinde niya raw ay ang mga mining permits ng mga kumpanyang walang pakundangan sa kalikasan.

Hindi nya pa raw isinasara ng tuluyan ang pintuan sa mga ipinasarang kumpanya.

“I’m not closing my mind to possibilities. But right now… we have no proof, no rehabilitated mine site, open-pit mine,” wika ni Lopez.

Ito na ang huling pagkakataon ni Lopez na magpaliwanag sa makapangyarihang komisyon.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, pagkatapos pasagutin si Lopez, agad silang magsasagawa ng caucus para pagpasyahan kung tuluyan nang ibabasura o kukumpirmahin ang kaniyang appointment.

Bago magbakasyon ang komisyon noong Marso, nauna nang isinalang ang mahigit 24 na kumpanya at mga grupong tumututol sa kumpirmasyon ni Lopez.

Related Post

This website uses cookies.