BANGUI, Ilocos Norte (Eagle News) – Nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office ng Payac, Bangui, Ilocos Norte ng “Ginger Processing” na pinangunahan ni Rhealou Allado-de la Cruz. Dinaluhan ito ng 30 ginger producers mula sa bayan ng Bangui. Ang trainers naman ay mula sa Mariano Marcos State University ng Batac City.
Ang ilan sa mga finished product ng nasabing processing ay ang mga sumusunod:
- Pastillas
- Cookies
- Ginger candy
- Pretzel
- Potato ginger pastillas
Malaki aniya ang maitutulong nito bilang karagdagang source of income ng mamamayan sa nasabing lugar.
Weller Reyes – EBC Correspondent, Ilocos Norte