Sunud-sunod ang mga parangal na natatanggap ni Glaiza de Castro.
Kamakailan lamang ay ginawaran siya bilang kauna-unahan na Ambassadress of Goodwill ng Philippine Chinese Charitable Association Inc. (PCCAI).
Napakasaya ng singer-actress dahil marami siyang puwedeng matulungan sa pamamagitan ng naturang asosasyon.
Si De Castro ay nagtatag din ng Glaiza de Castro (GDC) foundation na tumutulong sa maraming estudyante ng SPED o special education.
Pumirma ng Memorandum of Agreement si De Castro noong nakaraang July 19, kasama ng board ng PCCAI, upang maging bahagi ng kanilang humanitarian at charitable missions.
https://youtu.be/BGGulf4Hlp0