(Eagle News) — Nais idagdag ng Department of Education (DepEd) ang Good Manners, Right Conduct at Proper Values sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-review ng curriculum sa K to 12 program.
Ayon kay Secretary Leonor Briones, nais ng ahensya na palakasin ang “basic skills” sa Kinder-Garten, Grade 1 at Grade 2.
Ilang halimbawa sa good manners and right conduct ang pagbati gaya ng “good morning” at kung paano makikibagay sa ibang bata.
Ito ay pagtugon din sa demand ng lipunan kung saan mas exposed ang mga bata sa iba’t ibang kapaligiran at teknolohiya na nakaka-impluwensiya sa kanilang pag-uugali.