Gobyerno, may alok na job fair sa araw ng Linggo, Agosto 12

(Eagle News) — Magsasagawa ang gobyerno ng job fair para sa ‘Build, Build, Build’ projects nito sa araw ng Linggo, Agosto 12.

Ayon sa Department Of Trade And Industry (DTI), ang job fair ay isasagawa sa smx convetion center sa pasay city mula alas otso y medya ng umaga hanggang alas kwatro y medya ng hapon.

Kabilang sa mga may job opening ay ang architects, engineers, finishing masons, finishing carpenters, heavy equipment operators, tile setters, welders at maging ang iba pang may kaugnayan sa construction skills.

May mga bakanteng trabaho rin ang iaalok ng mga kumpanya at ahensya ng gobyerno na kabilang sa Build, Build, Build projects.

Magkakaroon din ng one-stop-shop government service para makumpleto ng mga aplikante ang kanilang requirements.

Mahigit sampung libong trabaho ang bukas para sa mga job seeker.

https://youtu.be/QwkInotv5Io