(Eagle News) — Umaasa ang gobyerno na lalago ng 7 (%) percent ang ekonomiya ng bansa sa second quarter ng taon.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ito ay dahil sa mas mataas na nagastos ng gobyerno sa capital equipment at sa ‘Build, Build, Build’ program’.
Sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), makikita na tumaas ng 26 % o nasa 58.1 billion pesos ang nagastos ng gobyerno sa proyektong imprastraktura noong Mayo.
https://youtu.be/2dyTOUGYQjU