Muling inilunsad ang 6th Sorok Golf Tournament sa pangunguna ng Sorok-Uni Foundation.
Layon ng Sorok-Uni Foundation na makatulong sa mga walang tahanan at kinalimutang indibiduwal dahil sa pagdurusa sa sakit na leprosy o ketong sa Pilipinas.
Ang ginanap na golf tournament ay naglalayong matulungan ang mga may ketong sa Culion Island sa lalawigan ng Palawan.
Ayon kay Mr. Jae J. Jang, chairman and founder, Sorok Uni Foundation, ang ganitong mga aktibidad ay pagpapakita ng suporta at pagkalap ng tulong para sa mga taong may sakit na leprosy.
Ang leprosy o Hansen’s disease o mas kilala sa tawag na ketong ay isang impeksyong dala ng bacteria na myco-bacterium leprae.
Naipapasa ito sa ibang tao, kung mahawaan ka ng bacteria na galing sa taong may sakit nito.
Nais ni Jang na maalis ang stigma o kahihiyan na dinaranas ng taong may sakit ng leprosy at maging ng mga kapamilya nito.
(Ulat ni Gel Miranda)