Government at NGOs, patuloy ang pagtulong sa mga biktima ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao

 

By Jabes  Juanites

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) — Boluntaryong tumulong na rin ang Incident Command System sa lalawigan ng Surigao del Norte na binubuo ng mga empleyado nito para sa mga pangunahing kailangan ng mga residente na nasa evacuation center.

Ating napag-alaman na naglagay ng sampung tent ang Red Cross sa Capitol Compound  na may tatlumpu’t-pitong (37) pamilya at isang daan at apatnapung (140) katao ang pansamanatalang tumutuloy dito.

Kahit papaano ay masaya na rin sila dahil hindi sila pinabayaan ng mga awtoridad sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan.

Una ng nagpaabot ang DSWDsa pangunguna ni Secretary Judy Taguiwalo katulong ang lokal na pamahalaan sa mga munisipyo ng San Francisco at Malimono na kung saan may lubhang napinsala na tulay, na ito ang tanging daan mula sa Surigao City.

Nag-re route sila sa Sitio Aton na dadaan pa ng ilog para matugunan at mabigyan ng agarang tulong sa pamamagitan ng relief goods at medikasyon.

 

Pangulong Duterte, personal na nagpaabot ng tulong at simpatiya sa mga Surigaonon

Personal namang nagpaabot ng simpatiya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Surigaonon lalo na sa mga namatayan, kung saan nagbigay siya ng pinansyal na tulong.

Alokasyon naman na dalawang billion para sa lokal na pamahalaan, at may dagdag na tatlong libo at limang daan na relief goods. Bumili din ang DSWD-Caraga ng dalawang libo at limang daang galloon ng inuming tubig  dahil may mga establishamentong sarado dahil sa lindol.

Nakahanda na rin ang relief goods ng mga Iglesia Ni Cristo para ipabahagi sa komunidad na apektado sa lindol.

Dumating naman ang Search and Rescue 001 San  Juan ng Philippine Coastguard Northern Mindanao District na pinangunahan ni Captain Leovigildo G. Panopio para ibigay ang mga boxes ng inuming tubig.

 

Suplay ng kuryente at tubig, naibalik na sa ilang lugar

Naibalik na ang supply sa kuryente at tubig sa ibang parte ng lalawigan. Patuloy naman sa pag rarasyon ng tubig sa mga matataas na lugar.

Ayon naman kay Evelyn Perenado ng PHIVOLCS Surigao, natatakot pa rin ang mga apektadong residente dahil sa mga aftershock at kung gabi ay sa Capitol Compound sila nagpapalipas ng magdamag.

 

Structural engineers, nagsasagawa na ng assessment sa priority buildings at establishments

Samantala, dumating na rin ang mga boluntaryong structural engineers na mula sa Davao at nagsagawa na ng assessment sa mga priority buildings at establishments para matukoy kung ito ay dapat ng i-isolate.

Sinimulan na rin ang pagsasaayos sa tulay ng Anao-Aon. Walang tigil ang instruction na binibigay ni Governor Sol Matugas para siguraduhin na mabigyan ng agarang assistance ang mga nasa evacuation center at sa mga lugar na may pinsala.

Nagbigay na rin ng mga hotline numbers ang lokal na pamahalaan para sa mga gustong tumulong.

 

Eagle News Service

Related Post

This website uses cookies.