QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Pinasusumite ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves ng financial statement ang Transport Network Companies na Grab at Uber.
Ayon kay Teves, dapat isumite ng mga nasabing kumpanya ang mga dokumento sa House Committee on Metro Manila Development.
Nais aniya niyang malaman kung nagbabayad ba ng buwis ang Grab at Uber, at kung magkano ang kanilang kinikita.
Una nang sinabi ni Yves Gonzalez, head of policy ng Uber Philippines, na nagbayad ang kumpanya ng 35 milyong pisong buwis sa Bureau of Internal Revenue noong 2015.
Ipinabatid naman ni Grab Philippines country head Brian Cu na nag-o-operate sila sa pamamagitan ng investment mode kaya’t wala silang income.