(Eagle News) — Binasura ng sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Bataan Governor Leonardo Roman.
Ito ay may kaugnayan sa pagpapagawa nito ng mini theater na nagkakahalaga ng Php 3.66 million noong 2004.
Sa 13 pahinang desisyon, kinatigan ng Special Second Division ng anti-graft court ang motion to quash ni Roman kung saan isinaad nito ang karapatan para sa mabilis na pagresolba ng kaso.
Ayon sa Sandiganbayan, nalabag ng Ombudsman ang nasabing karapatan ng akusado at hindi rin umano makatarungan ang ginawa nilang pag-aantala sa pag-usad ng kaso.
Wala ring nakitang sapat na ebidensya ang Ombudsman para madiin si Roman sa nasabing kaso.