Grass fire sa Mount Kanlaon, naapula na

KANLAON, Negros Oriental — Naapula na ang grass fire na sanhi ng pagbubuga ng abo ng Mount Kanlaon sa Negros oriental.

Ayon kay Bacolod City fire Supt. Rodolfo Denaga, nag-pull out na ang kanilang composite team sa barangay Biak naBato, sa bayan ng La Castellana na naapektuhan ng sunog.

Bagaman nasa 300 ektaryang damuhan ang natupok, hindi naman nakaabot ang apoy sa magubat na bahagi ng bundok.

Samantala, nasa ilalim pa rin ng alert level 1 status ang bulkan na nangangahulugang patuloy ang palalabas nito ng steam. (Eagle News Service)

This website uses cookies.