Greyhound operation, ikinasa sa Cainta Municipal Jail

(Eagle News) – Isang greyhound operation ang ikinasa sa mga kulungan ng Cainta Municipal Jail nitong Lunes, Agosto 27.

Ang operasyon ay isinagawa kasama ang Bureau of Jail Management and Penology-Cainta, Philippine Drug Enforcement Agency, tauhan ng barangay, Philippine National Police (PNP) at Bureau Fire Protection (BFP).
Pinasok ng mga operatiba ang bawat dormitoryo ng mga person’s deprived with liberty (PDL).

Isa-isang sinayasat ang mga inmate, pinalabas ng selda at inipon sa isang lugar, pagkatapos ay pinapasok na ang mga K9 at sinuyod ang bawat higaan at bawat sulok ng kulungan.

Upang matukoy kung may iligal na kontrabando lalo na ang iligal na droga sa nasabing piitan ay masusing hinalughog ng PDEA ang mga gamit ng mga preso.

Isinagawa ang greyhound na ito upang kumpirmahin ng PDEA kung totoong malinis na nga at wala nang iligal na droga ang nakakapasok sa kulungan.

Walang nakitang droga sa mga kulungan kabilang na ang ladies dormitory.

Sasalang isa-isa ang mahigit ng 700 PDL at 28 tauhan ng BJMP-Cainta sa drug test ngayong darating na Biyernes, Agosto 31, kung saan sasagutin ng Cainta government ang buong gastos.Gerald Ranez

Related Post

This website uses cookies.