Ground Breaking Ceremony para sa itatayong Septage Treatment Facility, isinagawa

ORMOC CITY, Leyte (Eagke News) – Opisyal ng sinimulan ang pagtatayo ng isang Septage Treatment Facility sa pamamagitan ng groundbreaking nito kamakailan sa Green Valley, Ormoc City, Leyte na kung saan itatayo ang nasabing pasilidad.

Ang proyektong ito ay bilang tugon sa nakakabahalang pagdami ng e-coli contamination sa tubig ng lungsod. Pagtugon din ito sa batas na tinatawag na Philippine Clean Water Act na may mandato na ang mga lokal na pamahalaan ay dapat magtatag ng isang sewerage o septage management program upang ma-protektahan ang kapaligiran mula sa polusyon.

Para sa mga Ormocanon isa na naman itong malaking tagumpay ng Ormoc City. Ang proyekto ay pinangunahan ni Mayor Richard I. Gomez. at sa pakikipagtulungan ng United State Agency for International Development (USAID). Naglaan ang Pamahalaang Lokal ng Ormoc ng 20 Milyong Piso mula sa kanilang 2016 Annual Investment Plan at lupang paglalagyan ng Septage Treatment Facility.

Ayon kay Dr. Susan K. Brems, USAID Philippine’s Mission Director, ang itatayong treatment facility ay may kapasidad na 30 cubic meters ng septage araw-araw. Ito ang kauna-unahan sa Eastern Visayas at higit sa lahat ay napakalaking tulong nito upang mapananatiling malinis ang kalidad ng inuming tubig sa lunsod ng Ormoc.

Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City, Leyte

8e2b5766-716e-4bcb-bb7b-059aac329af2

9ecea878-7295-4208-9ac8-7ae733d4b2a7

31d80d5c-522b-4cd4-8ed8-2bc41327c907

88e32f72-032d-4ff6-a46e-dba0cb5a1fa9

093d4ff7-ef28-4441-95ef-62e6a2397549

1085cd39-2406-4888-95d3-94253ef51b32

1961bf06-79c4-4151-8c88-1b05e3b079fa

3149e110-50d5-4271-8f6f-c1a80baa5e75

a216a29b-251c-41a9-94cc-e53b6e41dbc3

cc4cfb9b-e720-416b-9cb6-6c519f8fad86

d020ac2e-db2a-4ff2-96da-7a86299fc78e

photo391935669094688758