DAVAO CITY (Eagfle News) – Isinagawa ang groundbreaking at time capsule-laying ceremony ng bagong Drug Rehabilitation Facility sa Malagos Village, Calinan, Davao noong Martes, December 6.
Ang 1.9-hectare Treatment and Rehabilitation Center for Drug Dependents (TRCDD) ay may total budget na P200 million pesos. Makakapag-accommodate ito ng hanggang 224 katao at inaasahang matatapos sa Disyembre sa susunod na taon.
Ang bagong rehab center ay pinondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pakikipagtulungan ng Travellers International Hotel Group Inc., at Resorts World Philippines Cultural Heritage Foundation, Inc.
Ayon kay Mayor Sara Duterte, ang construction ng nasabing pasilidad ay isang pagsuporta sa nationwide campaign ng Duterte administration laban sa dangerous drugs. Ang paglikha ng mga platform tulad ng rehab center ay isang paraan umano upang mabigyan ng pagkakataon at magkaroon ng panibagong buhay ang lumalaking bilang ng mga drug surrenderees.
Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City
Photo courtesy: Baguio PNP