Grupong Kadamay nanawagan ng kapayapaan para sa Mindanao

KALIBO, Aklan (Eagle News) – Nagsagawa ng rally sa Aklan ang Kadamay noong Lunes (June 12) at Martes (June 13).

Isinagawa nila ito sa Crossing Banga, New Washington, Kalibo.

Nilahukan ito ng ilang mga magulang kasama ang mga kabataang mga Aklanon.

Ang dahilan ng pagtitipon ng grupo ay may kaugnayan pa rin sa paggunitang Ika-119 na Kalayaan ng Bansa

Nanawagan sila kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kapayaan sa Mindanao lalo na anila sa Marawi City.

Nais din nila na itigil na ang martial Law sa Mindanao para diumano sa kapayapaan sa Mindanao.

Alan Gementiza – EBC Correspondent, Aklan

 

 

Related Post

This website uses cookies.