(Eagle News) — Kailangang magkaroon ng mas komprehensibo, mas malawak at malinaw na saklaw ang pagsususpinde ng klase.
Ito ang nilalaman ng House Bill 6072 na isinusulong ni “Ang Edukasyon” Partylist Representative Salvador Belaro.
Sa panayam ng Radyo Agila, tinukoy ni Belaro na masyadong limitado ang saklaw ng Executive Order No. 66 kung saan mga storm warning signals lamang ang nagiging basehan ng suspension of classes.
Ayon kay Belaro, hindi lamang mga bagyo ang maaaring maging sanhi ng pagsususpinde ng klase kundi iba pang mga kalamidad at sakuna kasama na ang habagat na nararanasan ngayon.
“Limitations ng suspension of classes based on the storm signals alone. Kasi hindi lang naman ang nakakapagpahamak ng ating buhay, ng ating mga estudyante at mga guro. Ito po ay maraming bagay. It could be earthquakes, it could be oil spilling or it could be financial bank gun or any commotions. Yung ganun na mga bagay na it should left in a discretion of the authorities na kailangan evidence based or and science based ang pag suspension ng classes,” ani Belaro.
Samantala, sinabi rin ni Belaro na ang deklarasyon ng class suspension ay dapat gawin lamang ng isang central agency para maiwasan ang kaguluhan.
“They are proposing na yung Department of Science and Technology kasi siya po yung ahesya na may saklaw sa science hindi lamang sa storm kundi pwede rin earth quake at sa oil spillage. But the implementation could be localized. Hindi naman po namin sinasabi na tatanggalin yun sa school head yung authority, tatanggalan natin ng authority yung mayor, at least the mandate or the determination to the facts should be based on the central agency para po iisa po yung appreciation natin,” ayon kay Belaro.
https://youtu.be/QgUEZYi_FWo