UPDATED: 3 katao sugatan sa sunog sa Land Management Bureau at Nat’l Archives

https://youtu.be/DjYxOYWJY3M

(Eagle News) — Tatlo katao ang sugatan sa malaking sunog sa Land Management Bureau nitong Lunes, Mayo 28, ito ay ayon sa Bureau of Fire protection.

Dahil sa laki ng sunog ay nadamay na din ang katabing gusali nito na National Archives of the Philippines.

Samantala, nabatid na nasa 60 milyon na dokumento na mula pa noong panahon ng Kastila ang nakalagak sa National Archives of the Philippines.

Nasa P100 milyon naman ng equipment at mga mahahalagang dokumento ang naabo sa nasabing sunog sa LMB na nagsimula kaninang alas-12:36 ng hatinggabi.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin sa Task Force Charlie ang sunog at patuloy pang inaapula ng mga otoridad.