Bagong barangay chapel ng INC sa Maguindanao, pinasinayaan

MAGUINDANAO, Philippines (Eagle News)  — Isa na namang bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa pamamagitan ng isang pagtitipon nitong Miyerkules ng umaga (Mayo 25) dito sa distrito ng Maguindanao.

Pinangasiwaan ni Maguindanao District Supervising Minister Bro. Edison G. Macabali ang unang pagsamba ng bagong barangay chapel sa Brgy. Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Dinaluhan ito ng mga kapatid na ang iba ay galing pa mula sa iba’t ibang bayan gaya ng Cotabato City, Libungan Cotabato, North at South UPI Maguindanao.

Ang bagong kapilyang ito ay isa sa anim na mga barangay chapel na naipatayo sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang bukod na dalawang kapilya na ginagawa.  Ito ay ang nasa Brgy Dado, Alamada, Cotabato at Brgy Obial, Kalamansig, Sultan Kudarat na sakop pa rin ng distrito ng Maguindao.

(Eagle News Service Dennis Dimatingkal – Maguindanao Correspondents)

 

Related Post

This website uses cookies.