Habal-habal terminal sa Dapitan City, binuksan na sa publiko

DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Binuksan na sa publiko ang habal-habal terminal na ipinagkaloob ng Lokal na Pamamahalaan sa Barangay Bagting, Dapitan City. Isinagawa ang pormal na pagbubukas sa pamamagitan ng cutting of ribbons at turn-over ceremony na dinaluhan ni City Administrator Wilberth Magallanes, OIC, City Engineer Gerry Icao, at Joseph Alvi Agolong, Economic Enterprise Head. Sinaksihan rin ito ng mga opisyales sa naturang barangay at ng mga habal-habal driver.

Layunin aniya ng pagtatayo ng nasabing terminal ay hindi na mainitan at maulanan ang mga driver maging ang pasahero habang naghihintay ng pasahero. Lalo na kadalasan sa mga pasahero ay nagpapahatid sa bukirin o coastal na barangay.

Nagpapasalamat naman si Brgy. Captain Raul Carreon sa proyektong ipinagkaloob sa kanila ng alkalde ng bayan. Magiging permanenteng terminal na aniya ito para sa mga habal habal driver. Umabot din sa one million pesos ang halaga ng nasabing terminal.

Elmie Ello – EBC Correspondent, Dapitan City, Zamboanga del Norte

Photo courtesy of CID Dapitan City

 

Related Post

This website uses cookies.