Halaga ng pinsala sa agrikultura sa Dingalan, Aurora dahil sa bagyong Ompong, umabot sa 6.3 milyong piso

(Eagle News) — Nagpapasalamat si Dingalan, Aurora Municipal Mayor Sherwin Taay dahil zero casualty ang kanilang bayan sa naging pananalasa ng bagyong Ompong.

Matapos din aniya ang halos limang araw ay normal nang nakapaglalayag ang kanilang mga mangingisda.
Pero bagamat ligtas ang kaniyang mga kababayan at wala ring nasirang mga imprastraktura, hindi naman nakaligtas sa unos ang kanilang mga pananim.

Ayon sa Alkalde, aabot sa 6.3 milyong halaga ng mga palay at mga gulay ang napinsala sa kanilang bayan.

“Ang ating palayan dito sa Dingalan, Aurora ay ginagawang model farm po ng iba’t-ibang services ng Department of Agriculture para makita po yung ibang mga binhi kung ano ang mas magiging madami ang ani o yield. Nagkataon po na ito po ay tinamaan ng malakas na tubig kaya mala-laki po ang pinsala doon. Kasama din po yung mga gulay na tanim po natin sa timog na bahagi ng Dingalan ay naapektuhan din po,” pahayag ni Taay.

https://youtu.be/dnY2A-C8vv0