Halos 14,000 katao naserbisyuhan na ng ‘passport on wheels’ ng DFA

MANILA, Philippines (Eagle News) — Umabot na sa halos 14,000 ang naserbisyuhan sa unang isang buwan ng pagpapatupad ng passport on wheels program ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay mga residente ng walong lungsod at anim na munisipalidad sa bansa.

Sa datos ng DFA, sa Metro Manila nakabisita na ang ‘passport on wheels’ sa Caloocan City, Marikina City, Maynila, Las Piñas City at Muntinlupa City.

Habang sa mga lalawigan, ang ‘passport on wheels’ ng DFA ay nakarating na sa Iba, Zambales; Capas, Tarlac; Angeles City, Pampanga; Bocaue, Bulacan; San Jose Del Monte City, Bulacan; Baliuag, Bulacan; Cainta, Rizal; Biñan City, Laguna at Bay, Laguna.

Payo naman ng DFA sa publiko, palagiang bisitahin ang online appointment sa kanilang website upang makita kung may bagong bukas na mga slot para sa mga nais magpa-schedule ng passport processing.

https://youtu.be/JhOQ0qKvNVw