(Eagle News) — Apektado ng low pressure area (LPA) ang halos buong bansa ngayong araw.
Sa huling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang LPA ay namataan sa layong 245 kilometers east southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Sa ngayon mababa pa ang tsansa na ito ay maging bagyo.
Ayon sa PAGASA, tatawid ang LPA sa kalupaan ng Visayas at sa West Philippine Sea.
Dahil sa nasabing LPA, ang Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa, Mindanao, Visayas at ang lalawigan ng Aurora ay makararanas ng hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon.