MANILA, Philippines (Eagle News) — Bahagyang humina ang hanging Amihan na nagdadala ng malamig na hanging tuwing holiday season.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Martes o Miyerkules inaasahang muling lalakas ang amihan na aabot hanggang Metro Manila.
Samantala, ngayong araw ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang silangang bahagi ng northern Luzon dulot ng cold front.
Habang sa Visayas at Mindanao naman, magdadala ng pag-ulan at thunderstorms ang ITCZ o intertropical convergence zone.
Wala namang binabantayang bagyo o low pressure area sa bansa ang PAGASA.
Isa o dalawang bagyo naman ang inaasahan bago matapos ang taong ito.