Kinondena ng ilang bansa ang harassment na ginawa ng China sa eroplano ng pilinas nang magsagawa ng inspeksyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na hindi papayagan ng Britanya na limitahan ng Beijing ang freedom of navigation sa nasabing disputed islands.
Binalaan din ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull ang China na tigilan na ang pag-angkin sa buong West Philippine Sea na maari lang aniyang humantong sa face off ng Beijing at America.
Ito ay kasabay ng pakikipagkita ni Turnbull kay U.S. President Barack Obama sa White House.
Nabatid na dalawang beses binalaan ng Chinese Navy ang Cessna Plane ng Civil Aviation Authority Of The Philippines o CAAP na nagsagawa ng inspeksyon sa Pag-asa Island.