Health Card and Medical Services para sa PNP Biñan, inilunsad

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Inilunsad ng Jonelta Foundation sa Biñan City, Laguna ang Health Card and Services Programs  kamakailan para sa mga personnel ng Philippine National Police (PNP)-Biñan. Pinangunahan ito ni Dra. Anna Noreen Antoinette P. Tamayo, Director ng Jonelta Foundation. Kasama rin ang mga Medical Social Worker at sa pakikiisa ni PSupt. Serafin Petallio II acting Chief of Police ng Biñan PNP.

Layunin nito ay upang matulungan ang mga pulis sa kanilang Health and Medical Services at emergency response sa isang pribadong ospital na makatutugon sa mga hindi inaasahang pangyayayari, aksidente man o confinement dahil sa sakit.

Magandang benepisyo aniya ito para sa kapulisan dahil nabibigyan sila ng prebilihiyong magpakonsulta sa Jonelta OPD ng Perpetual Hospital ng Biñan. Kung kinakailangan namang magpa-ospital ay sa Jonelta Clinical Division lamang sila maaring ma-confine.

Jackie Palima at Willson Palima – EBC Correspondent, Binan City, Laguna