(Eagle News) — Nararanasan pa rin ang pagbaha sa maraming lansangan sa kasalukuyan kung kaya naman patuloy na nagbabala ang mga eksperto na lalong mag-ingat sa leptospirosis.
Ayon kay Dr. Daisy Tagarda, isang fellow sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), ang leptospirosis ay sakit na maaaring makuha sa paglusong sa baha na kontaminado ng leptospira bacteria na nagmumula sa ihi ng mga hayop tulad ng daga.
Kabilang naman sa sintomas ng leptospirosis ay mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pamumula ng mga mata, paninilaw ng balat, pananakit ng tiyan, diarrhea, pagsusuka, rashes, pananakit ng kalamnan, at hemorrhages.
Binigyang diin ni Dr. Tagarda na kung hindi maagapan ang leptospirosis, maaaring maging sanhi ito ng kidney damage, brain inflammation at liver failure.
Aniya, may mga kababayan tayong kapag lumusong sa baha ay umiinom ng doxycycline upang makaiwas sa leptospirosis, kaya, kanyang nilinaw na bagaman at maaari ngang makaiwas sa nabanggit na sakit kung iinom ng naturang gamot, hindi naman ito maaaring inumin nang walang pasabi ang doktor.
May mga indibidwal din na hindi dapat na uminom ng doxycyline.
“So ano o sino ang mga indibidwal na hindi pwedeng uminom nito, ung may know history ng allergy sa doxycycline, number 2, ung mga buntis po na pasyente, bawal sa kanila ang doxycline, so as much as possible, if you know that you are pregnant, your wife is pregnant, tell them na huwag lulusong sa baha,” ayon kay Dr. Tagarda.
“But sometimes, may mga pagkakataon na hindi mo ginugusto, well the alternative treatment for pregnant patient would be asynthromycin 500 milligrams once a day – kasi nga bawal ang doxycycline sa buntis, bawal din ang doxycycline sa mga bata o pediatric patients because it can cause discoloration of their teeth, ibig sabihin, maninilaw ang mga ngipin nila. Kaya ang alternative treatment for pediatric patients would be amoxyciline or penicillin, eto ung alternative treatment.”
“So, eto ung mga kailangan nating tandaan on how to prevent the exposure at the same time, ung mga alaga nating aso, dapat may hygiene din, they can also transmit leptospiros, leaking on the surroundings tapos hahalik sila sa inyo, they can also transmit leptospirosis as well.”
Samantala, mahigpit naman ang paalala ng Department of Health sa publiko na iwasan na lamang ang lumusong sa baha upang makaiwas sa sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga at iba pang hayop.
Kung hindi naman daw ito maiiwasan ay mas makabubuting gumamit ng protective gears sa paglusong sa baha tulad ng bota at iba pa. (Eagle News Service Belle Surara)