(Eagle News) — Itinaas ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dahil sa bagyong Amang.
Sa heavy rainfall warning ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), itinaas ang yellow warning level sa Northern Samar kaninang alas singko ng umaga (5:00AM).
Alas 5:30 naman ng umaga ng itaas rin ang yellow warning level sa Samar at Eastern Samar.
Nagbigay naman ng babala ang PAGASA sa mga residente sa mga apektadong lugar na maaari silang makaranas ng pagbaha at landslides.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands.
https://youtu.be/iC-NEnvthTQ