(Eagle News) — Itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang heavy rainfall warning sa Zambales at Bataan.
Sa abiso ng PAGASA, yellow warning level ang umiiral sa dalawang lalawigan at nagbabala ito na maaaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Ang Laguna, Quezon at Batangas ay makararanas din ng malakas na pag-ulan na may malakas na hangin.
Ang Metro Manila partikular na ang Taguig, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa , gayundin ang Rizal at bahagi ng Cavite ay nakakaranas din ng pag ulan.
Mahina hanggang sa katamtaman naman na pag-ulan ang nararanasan sa Quezon City, Pasig, City at Caloocan; San Juan, Rosario, Taysan at Lobo sa Batangas.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas nilang rainfall advisories.