(Eagle News) — Nasibak sa puwesto ang hepe ng Pagadian City Police matapos magpatupad ng muzzle taping sa baril ng mga pulis na kanyang nasasakupan.
Ang muzzle taping o paglalagay ng masking tape sa dulo ng baril ng mga pulis ay nakaugalian ng tradisyon ng Philippine National Police para masigurong walang pulis na magpapaputok ng baril sa panahon ng holiday season.
Ayon kay Zambonga Del Sur Police Director Senior Superintendent Sofronio Ecaldre si Superintendent Michael Palermo ay sinibak sa puwesto dahil sa pagsuway sa utos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na huwag ng ipatupad ang nasabing tradisyon.
Si Palermo ay pinalitan ni Superintendent Kiram Jimlani, dating Deputy Provincial Director for Operations at hepe ng Intelligence Division.