Hepe ng Pangasinan-PNP pinuri ang magandang epekto ng mga evangelical mission ng Iglesia ni Cristo

By Alejandro Javier
Eagle News Service

LINGAYEN, Pangasinan, Pebrero 10 — Tahasang ipinayahayag ni Police Provincial Officer Director Ferdinand De Asis na nakakatulong ang isinasagawang pamamahayag ng mga Salita ng Diyos ng Iglesia Ni Cristo upang maiwasan at lalong mapababa pa ang porsyento ng krimen sa probinsya ng Pangasinan.

Kaya dito hinikayat nya ang mga kapulisan sa limang distrito ng iba’t-ibang bayan ng Pangasinan na kanyang nasasakupan na makinig ng mga aral ng Diyos sa Iglesia Ni Cristo na isinagawa sa conferrence room ng Police Provincial Office Lingayen, Pangasinan.

Nakakabuti din aniya sa kanila ang ganitong mga aktibidad ng Iglesia dahil sa ibinibigay na moral values lalong lalo na sa kanila na nangunguna sa siguridad ng probinsya.

Binigyan diin din ni De Asis na makakaiwas ang isang police officer na gumawa ng krimen kung ang bawat isa ay may takot sa Diyos.

Related Post

This website uses cookies.