DAVAO City (Eagle News) – Pinasisibak ni Mayor Sara “Inday” Duterte ang hepe ng Task Force Davao at ang hepe ng Davao City Police Office kasunod ng nangyaring pambobomba sa lungsod noong Biyernes, Setyembre 2.
Nais ng Alkalde na mapalitan na kaagad ang nasabing mga hepe sapagkat naging personal sa kaniya ang nangyari trahedya dahil umano sa kawalan agad ng aksyon sa mga natanggap na intelligence information na natanggap bago nangyari ang nasabing pagsabog.
Papalitan sa pwesto bilang Chief ng Task Force Davao si Col. Henry Robinson at si Davao City Police office Director Senior Supt. Michael Jhon Dubria. May pangalan na umano si Mayor Duterte sa ipapalit na hepe sa Task Force Davao bagamat hindi niya pa ito sinabi. Hinihintay rin niya ang rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) sa maaring ipapalit na Chief ng DCPO.
Naghanda na ng dalawang milyon piso ang alkalde bilang pabuya sa makapagtuturo at makakahuli sa mga suspek sa nasabing pambobomba sa Davao. Isang milyon naman para sa makapagtuturo at isang milyon sa makapagdadala sa kaniya ng may kagagawan ng terorismo sa Davao.
Courtesy: Reher Ybanez – Davao City Correspondent