MANILA, Philippines (Eagle News) – Bukod sa naunang sinabing bibigyan ng house & lot at 5 milyon pesos tax free incentive na ibibigay ng pamahalaan kay Hidilyn Diaz, makakatanggap pa umano ito ng libreng matrikula sa pag-aaral at mga health insurance ayon kay Senator Ralph Recto, Senate Minority Leader ng senado at co-author ng R.A. 10699.
Ang mga naturang reward na ipagkakaloob kay silver medalist weight lifter athlete na si Diaz ay nakabatay sa ipinasa nilang batas na Republic Act 10699 o ang “National Athlete and Coaches Benefits and Incentives Act of 2015.” Sa ilalim ng naturang batas, entitles sila sa mga benepisyo katulad nh 20 percent discount sa lahat ng mga establishimento – transportation services, hotels, restaurants, recreation centras, pagbili ng gamot, at sports equipment, atbp. Makakatanggap din sila ng libreng serbisyong medical and dental consultation sa mga pampublikong ospital sa bansa. Maging sa mga Health Insurances katulad ng Philhealth at SSS.
Si Diaz ay pumapangalawa sa 53kgs Weightlifting Women’s Division kung saan nakakuha ito ng score na 200 at siya ang unang nakapagtala ng Olympic Medal mula pa noong 1996 Olympic.
Courtesy: Jet Hilario