High-powered firearms at iba pa, narekober sa engkwentro sa Maguindanao

(Eagle News) — Narekober ng mga otoridad ang ilang matataas na kalibre ng baril at iba pa matapos makasagupa ng militar ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa  Maguindanao kahapon, ika-12 ng Agosto.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, pinuno ng 6th Infantry Division at Commander Ng Joint Task Force Central, naka-engkwentro ng mga tauhan ng 2nd Mechanized Infrantry Battalion ang sampung miyembro ng BIFF sa Barangay Malangog sa bayan ng Datu Unsay.

Kapwa walang nasugatan at nasawi dahil sa bakbakan, ngunit nakatakas ang mga terorista.

Nakuha ng militar mula sa kuta ni BIFF Commander Bungos ang isang caliber 50 sniper rifle, M16 rifle, M14 rifle, dalawang Improvised Explosive Device (IED), tatlong sako ng mga sangkap sa paggawa ng IED, isang antenna, iba’t ibang mga bala, at iba pang mga gamit pandigma.

Ayon kay Sobejana, ikinasa ang operasyon matapos idulog ng isang concerned citizen ang tungkol sa presensya ng mga armadong lalaki sa lugar na kalapit lamang ng Liguasan Marsh.

Related Post

This website uses cookies.