High pressure area at easterlies, nakaka-apekto sa PHL

 

Easterlies affecting the eastern section of the country. (Photo courtesy of PAGASA’s weather bulletin)

QUEZON City (Eagle News) — Asahan ang mainit at humid na panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Abril 5. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), epekto ito ng dalawang umiiral na weather system sa bansa.

Ang ridge of high pressure area ang nakakaapekto sa northern Luzon at easterlies naman sa silangang bahagi ng central at southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Nitong Sabado, Abril 2, pumalo sa mapanganib na lebel na 49.4 degrees celsius ang heat index sa Occidental Mindoro.

Related Post

This website uses cookies.