Bagaman hindi pa tinukoy ng Supreme Court kung ano ang tatalakayin sa oral argument, nilinaw naman ng Korte na limitado ang mga isyung pag-uusapan.
“It’s an oral argument, as I said, on very limited issues,” pahayag ni Atty. Theodore Te, Spokesperson ng SC.
Nagpasalamat naman ang Comelec sa SC dahil nabigyan ng pagkakataon ang ahensya na ipaliwanag ang kanilang panig patungkol sa mga aspeto ng naturang isyu.
“Nagpapasalamat sa ating Korte Suprema na binibigyan nila kami ng pagkakataon na ma-demo at maipaliwanag nga yung mga practical, operational, and technical issues sa pag-iimprenta ng resibo,” pahayag ni Bautista.
Dagdag naman ni Bautista, hindi sila tutol sa pagbibigay ng resibo ngunit ipinag-aalala lang nila ang kakapusan ng panahon para ipatupad ito.
“Minsan kasi nga pagka minamadali mo, o inaapura, minsan makikita n’yo e… na hindi maganda yung execution. So sa amin, mahalaga na hindi lang magka-halalan pero magkaroon ng isang credible na halalan,” saad ni Bautista.