Hiling ni Senador Jinggoy, hindi pinagbigyan

File Photo: Sen. Jinggoy Estrada

(Eagle News) — Hindi kinatigan ng Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng Office of the Special Prosecutor (OSP)  ang mosyon na inihain ni  Senador Jinggoy Estrada na pansamantalang makalabas sa kaniyang detention cell sa Sabado, Hunyo 4 para dumalo sa birthday celebration ng kaniyang ina.

Sa apat na pahinang opposition paper na inihain sa Sandiganbayan Fifth Division, sinabi ng OSP na lilikha ng hindi magandang impresyon sa publiko kung papayagan si Estrada na makalabas sa kaniyang kulungan at makadalo sa nasabing okasyon.

Ipinaalala rin ng OSP na hindi rin pinayagan ng anti-graft court ang kaparehong mosyon na inihain ni Estrada noong nakaraang taon dahil hindi naman anila ito emergency.

Samantala, hindi rin pinayagan ang mosyon ni Estrada para dumalo sa final session ng senado kaugnay ng patapos nang termino ni Estrada bilang senador.

Si Estrada ay kasalukuyang naka-detain sa  Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City dahil sa kasong plunder at graft na may kaugnayan sa pagkakadawit nito sa pork barrel scam.

 

 

Related Post

This website uses cookies.