Nagsimula na ang rehearsal ng pinakamalaking Filipino songwriting competition ng bansa na Himig Handog P-Pop Love Song. Nakapanayam ng Net 25 ang ilang interpreter na talagang excited na at kinakabahan sa nalalapit na Finals Night. Kabilang sa mga nakapanayam sina Morisette Amon, KZ Tandangan, Michael Pangilinan at Daryl Ong.
Tampok sa kompetisyon na ito ang 15 mga bagong awitin mula sa iba’t ibang songwriters at composers ng ating bansa.
Kinikilala bilang isa sa mga pinakamalaking songwriting competition ng bansa ang Himig Handog P-Pop Love Song para sa mga dekalibreng Pinoy composer sa buong mundo. Nagsimula ang kompetisyong ito noong taong 2000 kung saan nagpakilala ng mga awiting tunay na naging tatak sa Orihinal Pilipino Music (OPM).
Sa ika-7 taon nito, patuloy sa paghahanap ang Himig Handog ng mga Pinoy composers na may kakayahang sumulat ng OPM Love Song at posibleng mga susunod na mga OPM Classics.