Alam ba ninyo na ang hindi pagkain ng almusal ay masama sa puso? Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng almusal bawat araw ay nagpapababa ng panganib sa pagkakaroon ng cardiovascular disease.
Lumabas sa pag-aaral na ang pagkain ng mayaman sa calories sa umaga at pagkain ng kakaunti sa gabi ay nagbabawas ng posibilidad ng heart attack, stroke at iba pang sakit sa puso at blood vessel.
Ayon kay Marie Pierre St-Onge, ng Colombia University Center sa New York lumabas sa kanilang pag-aaral na ang regular na kumakain tuwing almusal ay mas maliit ang tsansa na tamaan ng cardiovascular disease tulad ng mataas na cholesterol at blood pressure.
Ang mga hindi naman nag-aalmusal ay mataas ang posibilidad na tamaan ng diabetes o mataas na blood sugar, kulang sa nutrisyon at obesity.
Payo naman ni Samantha Heller, nutritionist ng New York Langone Medical Center, kapag tapos nang kumain sa hapunan ay iwasan na ang late night snack.